Rate hike sa PhilHealth, SSS sisiyasatin ng Kamara
MANILA, Philippines - Iimbestigahan ng liderato ng Kamara ang dahilan kung bakit nagdagdag ng kontribusyon ang Social Security System (SSS) at Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Ayon kay House Speaker Sonny Belmonte na pagpapaliwanagin ang mga taong may kinalaman sa pagtataas ng kontribusyon sa SSS at PhilHealth.
Nais malaman ng Kamara kung bakit ito ginagawa sa ordinaryong miÂyembro at kung bakit kailangan magtaas ng kontribusyon.
Para naman kina Cavite Rep. Elpidio Barzaga at Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, mahalagang mabusisi ang isyung ito at magkaroon naman ng transparency lalo na’t hindi ito dumaan sa public consultation.
Sinabi naman ni Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe na wala sa timing ang dagdag na kontribusyon lalo na’t marami ng pasanin na dinanas ang mga tao.
Nagpahayag ng pangamba ang mga kongresista sa panibagong dagdag na naman na kaltas sa sahod ng isang ordinaryong manggagawa sa kabila ng hindi pa nakakabangon ang marami sa mga nagdaang trahedya noong nakaraang taon.
- Latest