^

Bansa

170 na nadale ng paputok

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Araw-araw ay nadadag­dagan ang bilang ng mga nabibiktima ng mga paputok ilang araw na lamang ang natitira bago ang pagsalubong sa bagong taon na umabot na sa 170.

Ito ay batay sa monito­ring ng Department of Health mula December 21, 2013 hanggang ala-6:00 ng umaga noong December 28.

Ayon kay Health Assistant Secretary Eric Tayag, 164 sa nasabing bilang ay tinamaan ng paputok, isa naman ang nakalulon ng paputok at lima ang biktima ng ligaw na bala.

Samantala, nangunguna pa rin ang piccolo sa mga paputok na nagiging sanhi ng pagkasugat.

Kung ikukumpara sa kaparehong panahon nuong nakalipas na taon, mas mataas ng 20 ang bilang ng fireworks related injuries ngayong taon.

Mula December 21-28, 2012, umabot ng 149 ang bilang ng mga nadale ng paputok, habang isa naman ang kaso ng tinamaan ng ligaw na bala.

Kaugnay nito, umapela ang DOH sa PNP na magpatupad ng crackdown o pagsamsam sa mga piccolo at iba pang iligal na paputok.

Batay sa kanilang pagmonitor, lantaran umanong ibinebenta ang mga piccolo sa Libertad sa Pasay, malapit lamang sa himpilan ng pulisya.

 

ARAW

AYON

BATAY

DEPARTMENT OF HEALTH

HEALTH ASSISTANT SECRETARY ERIC TAYAG

KAUGNAY

LIBERTAD

MULA DECEMBER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with