^

Bansa

Foreigners pinalulutang sa BI

Ludy Bermudo - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Inaasahang dadagsa ang mga banyaga sa Bureau of Immigration (BI) sa susunod na dalawang buwan.

Ito’y dahil sa itinakdang kautusan ng BI na kailangang mag-report ng personal simula sa Ene­ro hanggang sa katapusan ng Pebrero ng 2014 ang mga dayuhang nais pang manatili sa bansa.

Dapat umanong magprisinta sila ng ACR Icard o paper-based ACR kasama ang application form.

Maaring i-download ang application mula sa www.immigration.gov.ph o kumuha ng kopya  sa alinmang  BI offices. May babayaran lamang na P310.

Hindi umano pinapayagan ng BI ang alinmang travel agencies, law firms at iba pang entities na makipagtransaksiyon para sa mga dayuhan, maliban lamang kung sila ay nasa exceptions na isinasaad ng Memo Circular SBM 2013-002.

Para naman sa mga dayuhang nasa 14 taong gulang pababa o 65 anyos pataas, ‘imbecile’, nakapiit o naka-confine sa ospital, hindi na sila kailangang personal na magtungo sa BI offices, subalit kailangang may sapat na katibayan ng â€˜physical incapability to report in person’.

Sa mga nasa labas pa ng bansa, di rin itinatakda ang personal appearance subalit kaila­ngang magbayad sila ng application fees sa loob ng 30 araw simula nang kanilang pagbabalik sa bansa.

vuukle comment

BUREAU OF IMMIGRATION

DAPAT

ICARD

INAASAHANG

MEMO CIRCULAR

PEBRERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with