^

Bansa

Nelson Mandela pumanaw na

Ellen Fernando, Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpaabot ng pakikiramay ang Pilipinas kasama ang ibang world leaders sa pagpanaw ni dating South African president Nelson Mandela.

“The Philippines joins the Nation of South Africa and the whole world in mourning the passing of a great man,” ayon sa binasang statement ni Foreign Affairs Spokesman Raul Hernandez kahapon.

Sinabi ng DFA na hindi lamang isang matapang na lider, “compassionate champion of democracy” at “racial equality” si Mandela sa kanyang bansa kundi nagsilbi rin umano siyang inspirasyon at pag-asa sa lahat ng nagha­hanap ng kalayaan sa iba’t ibang panig ng mundo kabilang na ang Pilipinas.

Habang panahon uma­nong magbibigay-pugay at kikilalanin ng Pilipinas si Mandela kasunod ng kanyang pagbisita sa Pilipinas noong 1996 at ang makasaysayang pagkikita at pagpupulong nila ng kanyang “fellow icon of democracy” na si da­ting Pangulong Corazon Aquino sa Capetown ng nasabi ring taon.

Si Mandela na tinaguriang freedom leader dahil sa pagtayo at pakikipag­laban para sa hinihinging kalayaan ng mamamayan ay namatay sa edad na 95 matapos ang matagal na pakikipaglaban sa impeksyon sa baga. 

Inianunsyo ni South African President Jacob Zuma sa national television ang mapayapang pagyao ni Mandela sa kanyang tahanan sa Johannesburg habang nakapaligid sa mga labi nito ang kanyang pamilya at mga kaibigan.

FOREIGN AFFAIRS SPOKESMAN RAUL HERNANDEZ

MANDELA

NATION OF SOUTH AFRICA

NELSON MANDELA

PANGULONG CORAZON AQUINO

PILIPINAS

SI MANDELA

SOUTH AFRICAN

SOUTH AFRICAN PRESIDENT JACOB ZUMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with