^

Bansa

Appointment ni Ping suportado ng mga senador

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinawag na “very good choice” ng mga senador ang ginawang pagkaka-appoint ni Pangulong Benigno Aquino III kay dating Senator Panfilo “Ping” Lacson bilang ‘rehabilitation czar’.

Ayon kay Senator Sonny Angara, dahil sa record ni Lacson na pagiging tapat, mawawala ang hinala at walang kukuwestyon sa kanyang kapasidad na hawakan ang bagong posisyon.

Inihayag naman ni Senator Grace Poe na makakabuti na isang katulad ni Lacson ang inilagay ng Pangulo sa nasabing posisyon dahil kilala itong  disiplinado at organisado sa pamamahala.

Naniniwala naman si Senator Vicente “Tito” Sotto III na mababantayang mabuti ang bilyon-bilyong pisong rehabilitation fund sa pagkakatalaga kay Lacson.

Maging sina Senator Antonio Trillanes at Senator Serge Osmeña ay bilib sa kakayahan ni Lacson at isa umano itong “excellent choice” bilang rehabilitation czar.

Ayon kay Osmeña, makakatulong din ng malaki ang karanasan ni Lacson bilang isang dating hepe ng Philippine National Police lalo pa’t may mga naiiulat na krimen sa mga lugar na sinalanta ng kalamidad.

 

vuukle comment

AYON

LACSON

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SENATOR ANTONIO TRILLANES

SENATOR GRACE POE

SENATOR PANFILO

SENATOR SONNY ANGARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with