^

Bansa

Isnaberong taxi driver ang puntirya Oplan Bright Star ng LTFRB, aarangkada na

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Aarangkada na sa susunod na linggo ang Oplan Bright Star ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) laban sa mga isnaberong taxi drivers.

Sinabi ni LTFRB board member Conrad Corpuz, pawang mga malls sa Metro Manila ikakalat ang mga enforcers ng ahensiya para alalayan ang mga tao laban sa mga isnaberong taxi drivers na ayaw maghatid sa destinasyon ng mga commuters.

Anya, oras na kumalat ang mga tauhan sa susunod na linggo ay round the clock na magbabantay ang mga elemento ng LTFRB sa mga malls gayundin ay kakalat sa mga public utility vehicle terminals para asistihan ang mga pasahero gayundin ang mga Metro Manila residents na uuwi sa kani-kanilang mga probinsiya ngayong holiday season.

Mahigit 20,000 taxi meron sa MMLA. Ayon kay Corpuz,  ang mahuli sa unang offense ang taxi driver ay magmumulta ng P6,000 at sa ikalawang offense ay multang P6,000 at suspension ng franchise at 3rd offense ay kanselasyon ng prangkisa.

Ang mga reklamo laban sa mga abusadong driver ay maaari din anyang itawag sa 4562129 para sa kaukulang aksiyon.

AARANGKADA

ANYA

AYON

CONRAD CORPUZ

CORPUZ

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING REGULATORY BOARD

MAHIGIT

METRO MANILA

OPLAN BRIGHT STAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with