438 katao tiklo sa Comelec gun ban
MANILA, Philippines - Isang linggo, bago ganapin ang brgy. election sa darating na Oktubre 28, umaabot na sa 438 katao ang nasakote ng mga awtoridad kaugnay ng ipinatutupad na Comelec gun ban sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Ayon kay PNP Spokesman Sr. Supt. Wilben MayorÂ, panghuli sa mga nasakote ay isang retiradong pulis na si Julian Sistoza sa Brgy. Centro, Ilagan, Isabela .
Bandang alas-8:15 ng gabi kamakalawa ng masakote si Sistoza na nasamsaman ng isang M16 rifle na may marking ng US rifle 7.62 MM na may isang magazine at 20 bala.
Sinabi ni Mayor na pinakamarami sa mga nasakote ay mga sibilyan na umaabot sa 410 ang bilang. Kabilang pa sa mga nasakote ay limang pulis, 16 security guards, tatlong opisyal ng gobyerno at apat na sundalo.
Nakasamsam din ng 352 mga baril, 140 patalim, 86 eksplosibo, 64 granada, 15 gun replica at 2,685 mga bala.
Nabatid na ang gun ban na nagsimulang ipatupad noong Setyembre 28 ay tatagal ng hanggang NobÂyembre 12, o 30 araw bago at matapos ang gaganaÂping halalang pambaÂrangay sa buong kapuluan.
- Latest