Villar pinakamayaman, Trillanes pinakamahirap na senador
MANILA, Philippines - Pinakamayaman sa 12 bagong halal na senador ng 16th Congress si Senator Cynthia Villar na nagtala ng P1.23 bilyon assets at wala itong naitalang utang, na sinundan ni Sen. Grace Poe na nagdeklara ng P147.8 milyon na yaman base sa isinumite nilang Statement of Assets Liabilities and Net worth (SALN).
Pangatlo si Sen. Sonny Angara na may net worth na P93.81 milyon, pang-apat si JV Ejercito, P72.1 milyon.
Pang-lima si Nancy Binay na nagdeklara ng P63.93 milyon na sinundan ni Loren Legarda, P41.9 milyon.
Si Alan Peter CayeÂtano na muling nahalal ngayong 16th Congress ay nagdeklara ng networth na P22.5 milyon, samantalang si Gregorio Honasan naman ay nagdeklara ng net worth na P20.99 milyon.
Ang pinsan ni Pangulong Aquino na si Bam Aquino ay nagdeklara ng net worth na P18.24 milyon, habang si Koko Pimentel ay may P17.08 na kayamanan. Si Sen. Chiz Escudero ay nagdeklara naman ng P7.96 milyon at pinakamaliit ang idineklara ni Antonio Trillanes na P4.28 milyon.
Nagdeklara ng kanilang SALN ang mga bagong miyembro ng 16th Congress matapos maÂnalo sa nakaraang halalan noong nakaraang Mayo.
Malaking isyu ngayon sa Senado ang kayamanan ng ilang senador matapos masangkot sa pork barrel scam dahil sa paglalagay ng pondo sa mga pekeng non-goÂvernment organizations ni Janet Lim-Napoles.
- Latest