Reward vs Misuari, Malik pinag-aaralan na
MANILA, Philippines - Pinag-aaralan na ni Pangulong Aquino ang posibleng paglalabas ng pabuya para sa ikaaaresto nina MNLF founding chairman Nur Misuari at Commander Ustadz Habier Malik. Ito ay kahit na wala pa ring kasong naisasampa kina Misuari at Malik dahil sa pag-atake sa Zamboanga City.
Sinabi ng Pangulo sa ambush interview kahapon sa Pasay City, wala pang pabuya sa ngayon pero inaalam na ng kanyang legal team kung pwede silang magbigay ng reward sa mga makapagbibigay ng impormasyon sa kinaroonan nina Misuari at Malik.
Inatasan din ni Aquino si Justice Sec. Leila de Lima na pangasiwaan ang imbestigasyon sa Zamboanga attack na kailangan bago magsampa ng kaso sa mga rebelde.
Kinakausap na ng DOJ team ang mga testigo at ang mga nahuling rebelde para mapalakas ang kasong isasampa ng gobyerno laban sa grupo ni Misuari.
Malamig naman ang Pangulo sa apela ni Zamboanga City Mayor Beng Climaco na ideklara ang humanitarian crisis sa lungsod para makapasok ang mga international aid. Sabi ni PNoy, may sapat na pondo ang gobyerno para tugunan ang mga pangangailangan sa relief, rehabilitation at reconstruction sa Zamboanga city.
- Latest
- Trending