^

Bansa

3 bansa bibisitahin ni PNoy

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlong bansa ang bibisitahin ni Pangulong Aquino sa susunod na buwan.

Unang magtutungo ang Pangulo sa Indonesia sa Oct. 6-8 upang dumalo sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit.

Sunod na bibisitahin ng Pangulo sa Oct. 9-10 ang Brunei upang dumalo naman sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.

Kapwa inaasahan ni Aquino na magkikita sila ni US President Barrack Obama sa APEC at ASEAN Summits.

Sa Oct. 17-18 naman ay magtutungo si PNoy sa Republic of Korea para sa state visit matapos siyang imbitahan ni President Park Geun-Hye ng Republic of Korea.

Magsasagawa ang dalawang pangulo ng kanilang kauna-unahang pulong 
tungkol sa mga bilateral issues tulad ng mga isyung pulitika, depensa,
 ekonomiya at development cooperation.

Magkakaroon din ng palitan ng kuro-kuro sina Pa­ngulong Aquino at President Park tungkol sa mga regional at international issues.

Sa 2-day state visit ng Pangulo, makikipagpulong ito sa business community para hikayatin ang mga negosyanteng Korean na mamuhunan sa Pilipinas. Dadalo rin siya sa pagtitipon ng Filipino community sa Seoul.

 

AQUINO

ASIA-PACIFIC ECONOMIC COOPERATION

ASSOCIATION OF SOUTHEAST ASIAN NATIONS

PANGULO

PANGULONG AQUINO

PRESIDENT BARRACK OBAMA

PRESIDENT PARK

PRESIDENT PARK GEUN-HYE

REPUBLIC OF KOREA

SA OCT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with