Makati Police kakasuhan ng Taguig
MANILA, Philippines - Walang awtoridad ang Makati City Police na arestuhin ang mga tauhan ng Public Order and Safety Office ng Taguig City sa teritoryo ng huli.
Ito ang idiniin ni TaÂguig POSO Officer in Charge Kim Pautin sa isang pahayag na nagsaad pa na, sa ilalim ng batas, dapat laging iginagalang ang area of resÂponsibility.
Sinabi ni Pautin na hindi nila pinapayagan ang anumang maling gaÂwain sa Taguig pero ka kasuhan pa rin nila ang hepe ng pulisya ng Makati dahil sa panghihimasok umano sa teriÂtoryo ng Taguig na labas na sa area of responsiÂbility ng Makati Police.
Idiniin din niya na walang kautusan ang Court of Appeals na nagbibigay sa Makati Police ng hurisdisyon sa Fort Bonifacio o BGC, at sa kabila ng direktiba ng National Capital Regional Police Office, pinasok pa rin ng mga pulis-Makati ang lugar na hindi na nila hurisÂdiksiyon.
Hinihiling din ng POSO na isuko ng MaÂkati sa Taguig ang lahat ng pulis at tauhan ng MAPSA ng Makati City, Engineering Office at ibang empleyado na pumasok sa teritoryo ng Taguig.
- Latest
- Trending