^

Bansa

Kung gagawing state witness si JLN: People power sisiklab?

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Posible umanong sumiklab ang people power kung ipipilit na gawing state witness si Janet Lim-Napoles, ang sinasabing mastermind sa pag-maniobra ng P10 bil­yong pork barrel ng ilang senador at congressmen

Ayon kay Bayan Muna Partylist Rep. Neri Colmenares, isang malaking insulto sa nararamdamang galit ng taumbayan na gawing state witness ang “utak” sa maanomal­yang pork barrel scam.

Hinihintay din ng sambayanan ang agarang pagsasasampa ng kaso kay Napoles at pagpapanagot maging sa iba pang opis­yal ng pamahalaan na sangkot sa katiwalian.

Kung hindi umano ito ang mangyayari ay posibleng mag-apoy ang galit ng mga tao at idaan sa panibagong people power revolution para mabigyang hustisya ang pondo ng taumbayan na nauwi sa wala.

Dapat din umanong ibalik sa mamamayan ang ninakaw nitong pera na mula sa buwis ng mga tao. (Butch Quejada/Gemma Garcia)

vuukle comment

AYON

BAYAN MUNA PARTYLIST REP

BUTCH QUEJADA

DAPAT

GEMMA GARCIA

HINIHINTAY

JANET LIM-NAPOLES

NAPOLES

NERI COLMENARES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with