^

Bansa

Mandatory repatriation samantalahin

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umapela si Rep. Regina Reyes sa mga OFWs na nasa Egypt na samantalahin ang ipinatutupad na mandatory repatriation ng gobyerno.

Giit ni Rep. Reyes, kinakailangang unahin ng mga OFW ang kanilang kaligtasan upang mapawi ang pangamba at agam-agam ng kanilang mga pamilya sa Pilipinas.

Nagpahayag din ng suporta si Reyes sa House Bill 191 o pagbuo ng Dep’t of Overseas Workers. Aniya, napapanahon na ngayon ang pagpapasa ng DOW, lalo na’t mara­ming kontrobersiya at iskandalo na bumabalot sa mga ahensiya at mga opisyal na taga-subaybay at taga-alalay ng mga OFW.

Si Cong. Reyes ay isa rin dating OFW kaya’t nararamdaman niya ang hirap na dinadaanan ng kapwa OFW.

Sa ilalim ng House Bill 191 na iniakda ni Pangasinan Rep. Rosemarie Arenas ay idi-dissolve ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Philippine Overseas Employment Authority (POEA) para sa pagbuo ng DOW na siyang hahawak sa deployment at repatriation ng mga OFW.

Sa ilalim rin nito ay ililipat ang kapangyarihan at trabaho ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Foreign Affairs (DFA) sa DOW.

Layon ng DOW na magkaroon ng one stop agency para sa mga OFW upang hindi na mahirapan sa magkakahiwalay na ahensyang kailangang puntahan o makipag-ugnayan.

 

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

HOUSE BILL

OVERSEAS WORKERS

OVERSEAS WORKERS WELFARE ADMINISTRATION

PHILIPPINE OVERSEAS EMPLOYMENT AUTHORITY

REGINA REYES

REYES

ROSEMARIE ARENAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with