^

Bansa

Bayad sa renta ng gobyerno aabot sa P4.7 bilyon sa 2014

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Aabot sa P4.7 bilyon ang gagastusin ng gobyerno sa susunod na taon para lamang sa pagbabayad ng renta ng ilang opisina at tanggapan ng pamahalaan.

Ayon kay Sen. Francis “Chiz” Escudero, mas makakabuting maglaan na lamang ng pondo para sa pagpapatayo ng sariling gusali ang mga tanggapan at opisina na umuupa kung saan mas makakatipid ang pamahalaan.

Naniniwala si Escudero na pag-aaksaya ng pera ang ibinabayad taun-taon para sa renta.

Maituturing umanong long term investments ang pagkakaroon ng sariling building para sa mga ahensiyang nangungupahan lamang.

Marami na aniyang puwedeng paggamitan ng P4.7 bilyon katulad ng pagpapatayo ng eskuwelahan at mga ospital.

Sinabi ni Escudero na sa susunod na tatlong taon dapat ay maitayo na ang mga tanggapan at opisina ng mga departamento na nangungupahan sa ngayon.

Sa 2014 panukalang budget, kabilang sa mga maglalaan ng pondo para sa upa ang mga sumusunod: DFA-Office of the Secretary, P742.9 milyon; BIR, P531.5 milyon; DILG-PNP, P279.4 milyon; DTI-Office of the Secretary, P270.4 milyon at Supreme Court of the Philippines at Lower Courts, P212.8 milyon.

Maging ang Senado ay kabilang sa mga tanggapan ng gobyerno na umuupa sa GSIS building na aabot sa P171 milyon sa 2014.

AABOT

AYON

CHIZ

LOWER COURTS

MAITUTURING

MARAMI

MILYON

OFFICE OF THE SECRETARY

SUPREME COURT OF THE PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with