Ex-mayor, 4 pa kakasuhan ng Writ of Kalikasan sa SC
MANILA, Philippines - Kasong katiwalian ang nakatakdang isampa sa tanggapan ng Ombudsman at Writ of Kalikasan case sa Korte Suprema ang ihahain laban kay dating Parañaque Mayor Florencio Bernabe Jr. at mga showbiz councilors na sina Alma Moreno, Jason Webb, Val Sotto at Roselle Nava dahil umano sa kuwestiyonableng pag-aapruba ng mga ito sa reclamation ng mahigit sa 100 ektaryang lupain sa Manila Bay.
Partikular na kinukuwestiyon ng mga environmental groups ang Resolution No. 13-026 na ipinasa ng konseho ng Parañaque na nagbibigay kapangyarihan kay Bernabe para pumasok sa isang Joint Venture Agreement sa AVESCO Marketing Corporation tungo sa reclamation ng 111.755 ektarÂyang lupain sa Manila Bay. Nanganganib umano na masira ang kalikasan sa oras na maisulong ang proyekto sa AVESCO dahil sa nasabing reclaÂmation project.
Ang kasong kriminal naman sa Ombudsman, ay paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act dahil sa umano’y pag-abuso ng mga nasabing opisÂyal sa kanilang tungkulin para maagrabyado ang pamahalaan dahil sa naturang kasunduan na magdadala ng panganib sa mga residente ng ParañaqueÂ.
Ang Pambansang Lakas ng Kilusang MamamaÂlakaya ng Pilipinas (Pamalakaya) ang nangungunang environmental group ang nauna ng naghain ng pagtutol sa mga reclamation projects sa Manila Bay.
- Latest