Ex-Marine na anti-PNoy hahatulan
MANILA, Philippines - Nakaambang mahatulan ng guilty ang isang retiradong Marine Colonel matapos ang kontrobersyal nitong panawagan na patalsikin sa puwesto at magbitiw si Pangulong Aquino noong Hulyo 2011.
Si ret. Col. Generoso Mariano ay mahigit isang taong isinailalim sa GeÂneral Court Martial (GCM) sa kasong paglabag sa Article of War (AW) 63 disrespect towards the President, (AW 91) provoking speeches, (AW 96) conduct unbecoming of an officer and a gentleman.
Ayon kay Navy spokesman Lt. Commander GeÂrald Gregory Fabic, si Mariano ay napatunayang guilty ng GCM sa paglabag sa AW 63 o kawalang galang sa Pangulo at absuwelto naman sa AW 91 at AW 96.
Sinasabing si Mariano ang nag-post sa You Tube at nanawagan ng pagpapatalsik sa puwesto laban kay PNoy noong Hulyo 3, 2011 o bago pa man ito magretiro noong Hulyo 17 ng nasabi ring taon.
Si Mariano ay nahaharap sa dismissal from service at isang taong pagkakakulong na kasalukuyang pinagsisilbihan na ng opisyal.
Iginiit naman ni Fabic na sakaling pagtibayin ni PNoy ang hatol laban kay Mariano ay mawawalan ito ng benepisyo.
- Latest