11 waging senador pinagmumulta ng Comelec
MANILA, Philippines - Pinagmumulta ng Commission on Elections (Comelec) ang 11 nanalong senador dahil sa pagkakaroon ng mali sa isinumiteng Statements of Election Contributions and Expenditures (SECE).
Sa 12 nanalong senador, tanging si Sen. Alan Peter Cayetano ang hindi pinagmulta dahil walang mali sa kanyang expenditure report.
Ngunit dahil hindi pa nakapaghahain ng ilang dokumento ang Nacionalista Party na kinaaaniban ni Cayetano ay inirekomenda ng Comelec campaign finance committee na pansamantalang huwag munang ilalabas ang certificate of compliance ng senador.
Ang penalties ay P1,000 kada araw hanggang hindi nila naitatama ang mga deficiency sa kanilang SECE.
Naniniwala si Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr. na rasonable lamang ang P1,000 kada araw na late penalty at kung mabibigo pa umano ang mga ito na magsumite bago ang Hunyo 30 ay pagmumultahin sila ng P30,000.
- Latest