130K trabaho alok ng DOLE ngayong Hunyo
MANILA, Philippines - Aabot sa 130,000 trabaho ang ipagkakaloob ngayong HunÂyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga jobseeker lalo na para sa mga magulang.
Ayon kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz, maaring hanapin ng mga jobseeker ang mga bakanteng trabaho at posisyon sa Phil-Jobnet online job matching system.
“This is good news especially for parents who have children to support and to the new graduates who now have their turn in supporting their siblings’ education,†ayon sa kalihim.
Gayunman, pinaalalahanan ng kalihim ang mga aplikante na gumawa ng kanilang account sa Phil-Job net website para madaling makapag-apply online.
Ito aniya ay upang makatulong na rin sa mga job seekers na makatipid sa pera sa paghahanap nila ng trabaho.
Sa ngayon, nasa 130,290 vacancies mula sa top 20 jobs ang nangangailangan ng mga trabahador na kinabibilangan ng Salesman, 11,971 vacancies ; Call center agent, 8,888; Service crew, 8,757; Technical support staff, 6,458; Production workers/factory worker, 5,180; Sales clerk, 5,003; Cashier, 4,708; Production machine operator, 2,823; Customer service assistant, 2,718; Office clerk, 1,969; Janitor, 1,863; Merchandiser, 1,718; Security guard, 1,418; Production technician, 1,369; Sales officer, 1,300; Head waiter, 1,234; Promo girl, 1,228; Janitress, 1,216; Promo salesperson, 1,146.
Pinayuhan naman ng kalihim ang sinuman na nais i-upgrade ang kanilang skills at kwalipikasyon na kumuha ng technical-vocational course na may kinalaman sa kanilang abilidad sa Technical Education and Skills Development Administration (TESDA).
Makakatanggap ng National Certificate (NC) or Certificate of Competency (COC) ang sinumang trainee na makakatapos ng kanyang kurso.
- Latest