^

Bansa

Bam pasok sa ‘timbangan’ ng MGG

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pasok si Team PNoy senatoriable Benigno Bam Aquino sa listahan ng Top 12 senators sa mock poll na inilunsad ng Movement for Good Governance (MGG) matapos ang forum na “Timbangan 2013.”   

Kasama si Bam sa mga kandidatong pumasa sa dalawang round ng botohan gamit ang “scorecard” ng grupo, kung saan siniyasat ang kanilang pagiging epektibo, empowered at ethical ng bawat kandidato.

Ayon sa chairman nilang si Solita “Mareng Winnie” Monsod, matutulungan ng scorecard na ito na makabuo ang mga botante ng matalinong desisyon sa gitna ng gimmick at pakulo ng mga nanga­ngampanya.    

Nagpasalamat naman si Bam sa kumpiyansang ibinigay sa kanya ng mga dumalo sa “Timbangan” at sa mga nakibahagi sa mock polls ng MGG.

Si Bam ay tumatakbo sa platapormang kita at asenso para sa bawat pamilyang Pilipino sa pamamagitan ng trabaho, negosyo at edukasyon. Siya ay dating chairman ng National Youth Commission at naparangalan na sa buong mundo dahil sa kanyang trabaho sa mga kabataan at sa mga mahihirap na komunidad.

AYON

BENIGNO BAM AQUINO

GOOD GOVERNANCE

KASAMA

MARENG WINNIE

MONSOD

NATIONAL YOUTH COMMISSION

SI BAM

TIMBANGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with