^

Bansa

People’s bank isusulong ni Bro. Eddie

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Susuportahan ni Bangon Pilipinas Senatorial bet Eddie Villanueva ang pagbuo ng isang “People’s Bank” na magbibigay ng pautang sa mga mahihirap na ibig magnegosyo.

Lumagda ng isang kasunduan si Villanueva sa mga mararalitang taga-lungsod para ang mga ito ay mabigyan ng mahalagang papel sa pag-angat ng ekonomiya.

Sa isang seremonya sa Smokey Mountain sa Balut, Tondo, Maynila, nangako si Villanueva na magiging pangunahin sa mga ihaharap niyang panukalang batas kung mananalong senador ang pag-aangat sa kalagayan ng mga maralita.

Sabi rin ni Villanueva na susuportahan niya ang lokal na mga negosyo sa pangunguna ng mga mararalita. Aniya gagawin niyang modelo ang micro-entrepreneurship sa paglikha ng People’s Bank na magbibigay ng pautang sa mga mararalitang magnenegosyo. 

Magiging prayoridad din niya ang pagpapasigla ng edukasyon sa bansa sa pamamagitan ng libreng edukasyon.

“With the recent strengthening of the economy, no one should be left behind,” Ani Villanueva.

ANI VILLANUEVA

ANIYA

BANGON PILIPINAS SENATORIAL

EDDIE VILLANUEVA

LUMAGDA

MAGIGING

SMOKEY MOUNTAIN

VILLANUEVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with