E-cigarette may epekto sa kalusugan - DOH
MANILA, Philippines - Hindi hinihikayat ng Department of Health ang publiko sa paggamit ng nauusong e-cigarette at sa halip ay nagbabala ang DOH sa paggamit nito dahil posibleng makasama sa kalusugan ng tao ang mga subsÂtance o kemikal na inilaÂlagay dito.
Ayon kay DOH Assistant Secretary Eric Tayag, hindi makakatulong ang e-cigarette sa taong gustong ihinto ang bisyo ng paninigarilyo dahil hindi naman nakakasiguro kung anong substance ang ginagamit dito.
Maaaring may paÂnganib sa paggamit nito at diretso pa sa baga.
“Electronic cigarettes are not advisable since you don’t kick the habit. humihithit ka pa rin. Kung gusto mong tumigil sa paninigarilyo, take anti-nicotine drugs,†sabi ni Tayag.
Nabahala naman ang DOH sa paglaganap ng mga gumagamit ng e-cigarettes lalo na sa kabataang nagsisimula nang manigarilyo.
“Kasi hindi itsurang sigarilyo kaya nago-glorify pa rin ang smoking. Akala ng bata okay mag-smoke, lalo na mukha lang laruan yung e-cigarette,†dagdag pa ni Tayag
Ang e-cigarette ay isang mechanical device na walang tobacco o tar at gumagana sa pamamagitan ng rechargable battery.
Pinapainit nito ang cartridge sa loob na nilalagyan naman ng e-juice o likido na may mga kemikal o substance na ibinubuga bilang vapor.
May iba’t ibang lasa o flavor ang likido tulad ng orange, lemon at iba pa.
Nakatakdang maglabas ng guidelines ang DOH at Food and Drugs Administration sa paggamit ng e-cigarettes sa bansa.
- Latest