Guro sa eleksiyon naka-insured, secured - DepEd
MANILA, Philippines - Naka-insured at secured ang mga public school teachers na magsisilbing board of election inspectors (BEIs) sa May 13 midterm elections.
Ayon kay Education Secretary Armin Luistro, tiniyak sa kanila ng Commission on Elections (CoÂmelec) na ang bawat guro na magsisilbi sa haÂlalan ay bibigyan ng P3,000 honorarium sa kanilang ATM payroll accounts para sa kanilang serbisyo.
Maaari rin umanong mabigyan ang mga ito ng dagdag na honorarium sa anumang pondong maÂtitipid ng poll body matapos ang halalan.
Sakali naman umaÂnong may mga gurong masawi dahil sa pagseÂserbisyo sa eleksiyon ay tiniyak ng Comelec na pagkakalooban nila ang pamilya nito ng P200,000.
Anang Comelec, nagÂlaan sila ng P30 milyon para sa mga election-related deaths at injuries para sa kanilang deputized personnel.
Sa panig naman ng AFP at PNP, tiniyak ng mga ito na pagkakaloÂoban nila ng sapat na proteksiyon at seguridad ang mga guro.
May 240,000 public school teachers ang ina asahang magsisilbi sa eleksiyon.
- Latest