Skills training sa tourism sector isusulong ni Bam
MANILA, Philippines - Iminungkahi ni Team PNoy senatoriable Benigno Bam Aquino ang paglulunsad ng mga programang pang-skills training sa tourism sector, lalo na’t oras na ng bakasyon.
Ikinatuwa ni Aquino ang pag-angat ng Pilipinas sa 2013 Travel & Tourism Competitiveness Report ng World Economic Forum, pati na rin ang pagpasa ng bansa sa accreditation ng International Civil Aviation Organization (ICAO).
Ayon kay Aquino, ilan sa mga skills na dapat pagtuunan ng pansin lalo na ng kabataan at ng mga naghahanap ng trabaho ay ang hospitality management, agri-tourism at eco-tourism.
Ang sabay na paglago ng turismo at ng labor force ng isang bansa ay isang magandang formula sa pag-asenso.
Si Benigno Bam Aquino ay tumatakbo sa plataporma ng edukasyon, trabaho at negosyo, at isa sa mga Ten Outstanding Young Persons of the World noong 2012.
- Latest






















