Bagahe ng OFW itinakbo ng taxi driver
MANILA, Philippines - Itinakbo ng isang taxi driver ang mga bagahe ng isang overseas Filipino worker (OFW) na dumating galing Macau, China noon Huwebes Santo sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.
Kinilala ni Sarah de Dios ng Antipolo City, sa tanggapan ni ret. General Salvador Penaflor, assistant general manager for Emergency and Security, ang isang Raymond Gomba ng Pandacan na nagmamaneho ng taxi na may plakang TYZ 483 matapos siyang dumulog sa huli at nagsagawa ng line-up sa mga tsuper dito.
Ayon sa reklamo ni de Dios, sinabihan daw siya umano ni Gomba na bayaran siya ng P200 kada kilometro na tatakbuhin ng kanyang taxi hanggang makarating sila sa Antipolo.
Sabi ni de Dios, masyado raw siyang inaabuso ni Gomba kaya nagpababa na lamang siya sa may Heritage Hotel dahil sa tindi ng sinisingil nito sa kanya kaya ng ibinaba siya rito ng tsuper ay inabutan niya ito ng P500 bilang kabayaran mula sa NAIA Terminal 3 hanggang sa nasaÂbing hotel pero itinakbo naman nito ang kanyang mga bagahe.
Ayon kay Penaflor, sa follow-up opeÂration ay nahuli ng kanyang mga tauhan si Gomba sa isang lugar sa Quezon City. Nakuha rito ang mga kagamitan ni de Dios pero ang P12,000 cash money nito ay hindi na natagpuan.
Sinabi ni Penaflor, ipaghaharap nila ng kaso si Gomba sa Pasay City Prosecutors Office sa kasong robbery holdup.
- Latest