P100-M ‘pork’ ilaan sa lahat ng SUCs - PBA
MANILA, Philippines - Dapat ilaan sa lahat ng state colleges and universities (SUCs) sa buong bansa ang pondo mula sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) na mas kilala bilang pork barrel.
Ginawa ng partylist group na Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) ang pahayag bilang reÂaksyon sa plano ng ibang kongresista na mangalap ng P100 milyon mula sa PDAF para sa UniÂversity of the Philippines.
Lumitaw ang naturang plano bunsod sa pagpapakamatay ni UP-Manila student Kristel Tejada dahil sa kabiguan nitong makapagbayad ng matrikula.
Sabi ng PBA, magandang idea ang pagkalap ng P100 milyon mula sa PDAF pero mas makakabuti kung ilalaan ang pondong ito para sa lahat ng kolehiyo at pamantasan ng pamahalaan o SUC.
Ipinahiwatig ni PBA partyÂlist Rep. Mark Sambar na merong mas makatwirang paraan sa paglutas sa problema sa matrikula na hindi lang sa UP nangyayari.
“Bagaman maganda iyang idea, sa tingin ko, mas makakabuti kung iseÂsentralisa ang scholarship/financial assistance sa Commission on Higher Education at makikipag-ugnayan naman ang mga guidance counselor o financial assistance director ng lahat ng SUC sa CHED para makinabang sa PDAF ang lahat ng mahihirap na estudyante sa buong bansa,†sabi pa ni Sambar.
“Nakakahiyang pagdusahin ang mas maraÂming estudyanteng mahihirap pero hindi napapansin dahil lang nag-aaral sila sa mga eskuwelahang hindi gaanong kilala,†puna ng mambabatas.
Nagpakamatay si Tejada nang pilitin siyang mag-‘leave of absence’ dahil sa kabiguan niyang magbayad ng matrikula. Ipinakita sa kanyang pagpapakamatay ang mga depekto sa pagpili ng UP sa mga estudyanteng karapatdapat sa libreng matrikula at allowance.
Bagaman nakikisimpatya siya sa biglang pagkawala ni Tejada, sinabi ni Sambar na talamak sa lahat ng eskuwelahan ang mga problema sa matrikula at hindi nag-iisa ang kaso ni Tejada.
Maaari anyang meÂrong iba pang Kristel sa iba pang mga lugar na naghihintay na maisalba sa kahalintulad na sitwasyon. Ito na dapat ang huli at panahon nang kumilos ang Kongreso.
- Latest