Bam swak sa top 10
MANILA, Philippines - Maituturing na ‘biggest gainer’ ang pinsan ni Pangulong Aquino na si Bam Aquino matapos umaÂngat sa pang-sampung puwesto sa hanay ng mga senatoriables.
Ayon sa latest survey ng SWS, umarangkada ang pinakabatang senatoriable ng Team PNoy na isa ring multi-awarded youth leader at social entrepreneur sa no. 9-10 mula sa no. 15. Siya ang may pinakamalaking pagtalon sa survey na ito.
Pinasalamatan naman ni Aquino ang lahat ng kanyang mga volunteer. “Dahil sa resulta ng survey na ito, nakita ang pagtataya ng ating mga mamamayan sa Tuwid na Daan at sa ating panawagan ng dagdag na kita at pag-asenso sa pamilyang Pilipino.â€
Sa pagtakbo bilang senador tututukan ni Aquino ang paglutas sa kahirapan. Ayon kay Bam, ang kahirapan ay ang kawalan ng oportunidad para kumita at tumayo sa sariling paa. Pagtutuunan nito ang pagbukas ng mas maraming trabaho sa loob ng Pilipinas, ang schools-to-jobs matching para sa ating mga graduate, ang re-training para sa mga nangangailangan pa ng karagdagang kaalaman upang makahanap ng trabaho, at ang pagpapatuloy ng mga reporma sa edukasyon para sa isang world-class educational system.
Bago tumakbo sa pagka-senador, si Bam ay naging pinakabatang chairman ng National Youth Commission, at nagtaguyod rin ng isang globally awarded na programang tumugon sa kahirapan sa pamamagitan ng pagbigay ng access sa credit, merkado, training, at support services para sa mga pinakamaliliit na negosyo. Dahil dito, hinirang siya bilang isa sa Ten Outstanding Young Persons of the World noong 2012.
Samantala, nasa number 1 pa rin si Sen. Loren Legarda; 2nd si Chiz Escudero, 3rd si Sen. Alan Peter Cayetano, 4th si Cynthia Villar, Grace Poe (5), Koko Pimentel (6), Nancy Binay (7), Sonny Trillanes (8), JV Ejercito (9), Bam Aquino (10), Sonny Angara (11) at Juan Miguel Zubiri (12).
- Latest