VP Sara, ready na sa impeachment trial

Anuman ang kahinatnan
MANILA, Philippines — Tiniyak ni Vice President Sara Duterte kahapon na handa na siya para sa kanyang napipintong impeachment trial, anuman ang kahinatnan nito.
Ang pahayag ay ginawa ni VP Sara, sa isang panayam, matapos siyang bumoto para sa 2025 National and Local Elections (NLE) sa Davao City kahapon.
“Ang isyu ko lang naman ay ang impeachment. So sinasabi ko na nga na ‘yung impeachment naman, kahit anong mangyari diyan—guilty or acquittal—handa na ako sa kung anong mangyari,” pahayag pa ng bise presidente.
Aniya pa, ipinauubaya na niya sa kanyang mga abogado ang lahat ng paghahanda para sa kanyang impeachment case sa Senado.
Gayunman, itinuturo pa rin umano niya sa mga ito ang tamang direksiyon.
“Ina-update lang nila ako sa mga challenges na nai-encounter nila sa kanilang paghahanda. As much as kaya ko, tinutulungan ko sila at sinasagot ko ‘yung mga tanong nila. And I point them to the right direction kung saan kukunin ‘yung mga documents for preparations para sa impeachment trial,” paliwanag pa niya.
Base sa inisyal na timetable na inilabas ni Senate President Francis Escudero, itinakda ang tentative na pagsisimula para sa impeachment trial ni VP Sara sa Hulyo 30.
- Latest