^

Bansa

69 milyong botante dadagsa

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
69 milyong botante dadagsa
Police officers set up their post at a school in Candon City, Ilocos Sur on Sunday, in preparation for their duty in the 2025 midterm polls tomorrow, May 12, 2025.
Andy Zapata Jr./The Philippine STAR

Eleksiyon 2025, aarangkada na

MANILA, Philippines — Arangkada ngayong Lunes, Mayo 12, ang National and Local Elections (NLE) sa bansa.

Ayon sa Commission on Elections (Comelec), mahigit sa 69 milyong Pinoy ang inaasahang lalabas ng kanilang tahanan upang bumoto sa midterm elections.

Kumpiyansa si Comelec Chairman George Erwin Garcia na magsisiboto ang mga ito at magiging mapayapa sa pangkalahatan ang halalan.

“Napakataas ng ating paniniwala sa mga kababayan nating botante na sila ay boboto at magi­ging tahimik ang ating eleksyon,” ani Garcia.

Kabilang sa ihahalal ng mga botante ay 12 kandidato sa pagka-senador; isang miyembro ng House of Representatives; isang provincial governor, isang provincial vice-governor, isang miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, isang mayor, isang vice mayor, isang miyembro ng Sangguniang Panlungsod, at isang party-list group.

Pinayuhan naman ng Comelec ang mga botante na bago magtungo sa mga presinto ay alamin na muna ang kanilang pol­ling centers at precinct, sa pamamagitan ng kanilang inilunsad na precinct finder na maaaring ma-access, sa pamamagitan ng https://precinctfinder.comelec.gov.ph/voter_precinct.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, mas makabubuti na ring magdala ng kodigo, kung saan nakasulat ang pangalan ng kanilang mga ibobotong kandidato, para sa mas mabilis na pagboto.

Tuloy pa rin naman anila ang early voting para sa vulnerable sectors, kabilang na ang mga buntis, matatanda, at persons with disabilities, na isasagawa mula 5:00AM hanggang 7:00AM.

Ang regular voting hours ay idaraos mula 7:00AM hanggang 7:00PM.

Paalala ng Comelec, bawal na kuhanan ng larawan o iuwi ang mga balota, gayundin ang voter’s receipt at screen ng automated counting machine (ACM).

Hindi rin dapat na malagyan ng anumang dumi o marka ang balota.

Nagpaalala rin ang Comelec sa publiko na pormal nang nagtapos ang panahon ng kampanyahan sa halalan nitong Sabado.

Binigyan ng Comelec ang mga kandidato at mga supporters nito ng limang araw para magtanggal ng kanilang mga campaign posters.

Kasama umano sa mga dapat tanggalin ay ang campaign materials na ipinaskil sa digital platforms.

“Pakipatanggal na po kasi baka ma-consider yan na kampanyahan pa rin. At siyempre kahit sa social media,” ani Garcia.

Nagsimula na rin namang umiral ang nationwide liquor ban para sa halalan kaya’t mahigpit nang ipinagbabawal ang pagbebenta, pagbili at pag-inom ng alak.

NLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with