^

Bansa

NBI: Leviste ‘pugante’ na!

Ludy Bermudo, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Itinuturing ng National Bureau of Investigation (NBI) na pugante si Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste kasunod ng warrant of arrest na inisyu ng Makati Regional Trial Court (RTC) Branch 235 laban sa kanya kaugnay ng umano’y paglabag sa Public Service Act.

“Considered na fugitive from justice kasi hinahanap ka ng korte, may warrant of arrest na binigay sa’yo,” ayon kay NBI Director Melvin Matibag. “Si Leviste is still considered at large, wala pang jurisdiction ‘yung court sa kanya. Until such time na voluntary mag-surrender siya or maaresto siya ng law enforcement.”

Batay sa warrant na nilagdaan ni Presiding Judge Ricardo Molez II noong Oktubre 5, 2026, inatasan ang mga awtoridad na arestuhin si Leviste at iharap sa korte. Nagtakda rin ang hukuman ng piyansang P72,000 para sa pansamantala niyang paglaya.

Ayon kay Matibag, nasa ibang bansa pa si Leviste kaya nakikipag-ugnayan na ang NBI sa Bureau of Immigration upang matukoy ang kanyang immigration status at kinaroroonang bansa. Wala pa aniyang impormasyon kung kailan ito babalik sa Pilipinas.

Sinabi rin ni Matibag na posible silang makipag-ugnayan sa Department of Foreign Affairs (DFA) kaugnay ng mga hakbang na maaaring gawin, kabilang ang usapin sa pasaporte ni Leviste.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na hihingi sila ng Interpol Red Notice laban kay Leviste. Ani Remulla, makikipag-ugnayan sila sa Philippine Center on Transnational Crime (PCTC) para matunton at maaresto si Leviste, na pinaniniwalaang nasa Germany.

Nilinaw naman ni Matibag na hindi pa nakapagpiyansa si Leviste at ang cash bond ay para sa dalawang kapwa akusado nito.

Noong Setyembre 25, sinabi ni Atty. Tony La Viña, tagapagsalita ni Sen. Loren Legarda, na nasa France si Leviste upang samahan ang senadora sa kanyang pagpapagamot.

Noong Mayo ay naghain ang Department of Energy (DOE) ng reklamo sa Department of Justice (DOJ) laban kay Leviste at limang opisyal ng Solar Para sa Bayan Corporation (SPBC) dahil sa umano’y paglabag sa Public Service Act. Iniuugnay ang kaso sa kabiguan umanong magtayo at magbigay ng serbisyo ng kuryente sa mga customer sa mga lugar na itinuturing na remote, unviable, unserved, at underserved alinsunod sa franchise ng kumpanya na ipinagkaloob ng Kongreso.

Sa reklamong inihain, tinukoy si Leviste bilang chairman, president, chief executive officer at director ng SPBC.

NBI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with