^

Bansa

Phl Navy handang sunduin ang grupo ni Sultan Kiram

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakahanda ang mga elemento ng Philippine Navy na sunduin ng mga barko nito ang grupo ni Sultan Jamalul Kiram na umokupa sa isang isla sa Lahad Datu, Malaysia kaugnay ng standoff doon.

Ayon kay Philippine Navy Spokesman Lt. Commander Bayani Fabic, ang mga barko ng Naval Task Force 62 ang maaring gamitin para sa pagsundo sa grupo ni Sultan Kiram sakaling magdesisyon ang mga itong umuwi na sa bansa.

Gayunman, ayon kay Fabic ay kailangan ito ng go signal ng pamahalaan at pagu-usap ng dalawang bansa upang bigyang linaw ang kanilang intensiyon ng sa gayon ay hindi magkaroon ng maling interpretasyon kung sakali ang Malaysian authorities doon .

“We are hoping that this will be resolved peacefully. If they are retreating, we are not there to help them because we need instructions if they can be picked up,” ani Fabic upang ibalik ang grupo ni Kiram sa Pilipinas at matuldukan ang standoff.

Kaugnay nito, ayon pa sa opisyal ay anim na barko ng Philippine Navy at isang aircraft ang mahigpit na nagpapatrulya ngayon sa karagatan ng Sulu at Tawi-Tawi matapos na magbigay na ng ultimatum ang mga awtoridad ng Malaysia sa Sultanate ng Sulu’s Royal Army na lisanin ang lugar.

Sinabi ni Fabic na ang hakbang ay upang mapigilan na lumala pa ang tensyon sa naturang standoff kaya pinipigil nila lalo na ang mga Pilipinong Muslim na mag-reinforce sa grupo ni Sultan Kiram.

 

COMMANDER BAYANI FABIC

FABIC

LAHAD DATU

NAVAL TASK FORCE

PHILIPPINE NAVY

PHILIPPINE NAVY SPOKESMAN LT

PILIPINONG MUSLIM

ROYAL ARMY

SULTAN JAMALUL KIRAM

SULTAN KIRAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with