Power supply sa N. Ecija electric coop puputulin
MANILA, Philippines - Nagbigay ng opisyal na pahayag ang First Gen Hydro Power Corp. (FGHPC), ang kompanyang may pag-aari at nagpapatakbo ng Pantabangan-Masiway Hydroelectric Complex at nagsusuplay ng kuryente sa Pantabangan Municipal Electric Services (PAMES), na puputulan nito ng power supply ang electric cooperative na pag-aari ng Pantabangan municipal government sa Nueva Ecija ganap na alas-12:00 ng tanghali sa Lunes, Pebrero 11, 2013.
Ayon sa FGHPC, ikinalulungkot nila ang desisyon matapos na muling mabigo ang PAMES na bayaran ang kanilang obligasyon. Mula July 2012 hanggang December 2012 lamang ay umaabot na sa P8,762,405.58 ang utang ng PAMES sa kanilang power bills.
Noong July 23, 2012 ay pinutulan na rin ang PAMES matapos itong mabigong tumupad sa March 16, 2012 “restructuring agreement.†Batay sa naturang kasunduan, mayroong kabuuang pagkakautang na P80,264,222.75 ang PAMES na kinabibilangan ng hindi nabayarang power bills at penalties mula pa noong July 2008. Ibinalik lamang ang supply ng kuryente noong August 2, 2012 makaraan ang serye ng mga negosasyon na kinabibilangan ng provincial government ng Nueva Ecija sa ilalim ng kalinga ni yumaong DILG Secretay Jesse Robredo.
Sa kasalukuyan, sa kaÂbuuang utang na P80,264,222.75 ay P28,000,000 pa lamang ang nabayaran kung saan ang P21,000,000 ay nagmula sa provincial government ng Nueva Ecija sa pamamagitan ng direct offset mula sa Real Property Tax (RPT) na ibinayad ng CE Casecnan at FGHPC sa ngalan ng local na pamahalaan ng Pantabangan.
May balance pang utang na P52,264,222.75 ang PAMES sa FGHPC.
Patuloy na nagsusuplay ng kuryente ang PAMES mula pa noong December 2006, at itinuloy hanggang sa kasalukuyan sa kabila ng pagtatapos ng power supply agreement noong December 2008 sa kadahilanan na iniisip ng FGHPC ang kapakanan ng mga residente ng PantabaÂngan at iba pang consumer ng PAMES, isang katotohanan na hindi itinatanggi ng pamahalaang local ng Pantabangan.
“Iniiwasan namin ang ganitong hakbang na putulan ng kuryente ang PAMES ngunit wala na kaming magagawa dahil naaapektuhan na ang aming operasyon, at sana ay maunawaan ito ng mga mamamayan ng Pantabangan,†ayon sa official bulletin ng FGHPC.
- Latest