LP naghahanda na sa unang araw ng kampanya
MANILA, Philippines - Isang malaking pagtitipon ang gagawin ng Liberal Party (LP) para sa unang araw ng kampanyahan ng mga kandidato sa pagka Senador sa darating na eleksyon.
Ayon kay Western Samar at Secretary General ng LP na si Rep. Mel Senen Sarmiento, ang opening salvo ng kanilang partido ay gaganapin sa Plaza Miranda dakong alas-4 ng hapon sa Pebrero 12 ng taong kasalukuyan.
Paliwanag ni Sarmiento, ang Plaza Miranda ang kanilang pinili dahil historical ang nasabing lugar para sa LP subalit panalangin umano nila na huwag na maulit ang kasaysayan ng “Plaza Miranda bombing†noong 1971.
Darating din dito si Pangulong Noynoy Aquino kasama ang 12 senatorial candidate at personal silang ii-endorso ng Pangulo.
Tiniyak din nito na dadalo sa nasabing proklamasyon ang kanilang guest candidates na sina Senators Chiz Escudero, Loren Legarda at Grace Poe.
Nilinaw din ni Sarmiento, na walang ipinagbabawal ang kanilang partido na pumunta ang kanilang guest candidates sa mga pagtitipon ng United Nationalist Alliance (UNA) bukod dito nagkaroon din umano sila ng partnership agreement sa coalition party nila tulad ng Nationalist Peoples Coalition (NPC) kung sino ang ipapadala nilang miyembro na darating sa kanilang pagtitipon.
Hiniling na rin umano nila sa pamahalaang lungsod ng Maynila na magpalabas ng traffic re-routing plan upang hindi makagambala sa mga motorista ang gagawin nilang pagtitipon.
- Latest