^

Bansa

Mechanical error sa sumadsad na US warship palusot lang - solon

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Palusot lamang umano ng US Navy na nagkaroon ng mechanical error kaya sumadsad ang USS Guardian warship sa Tubbataha reef.

Ayon kay Palawan Rep. Antonio Alvarez, malabo ang dahilan na nagkamali lamang ang nasabing barko lalo pa at State of the Art ito, may satellite aided navigation at latest ang ginamit nitong mapa.

Ayaw din maniwala ni Alvarez na nagkaroon ng mechanical problem ang barko dahil wala namang distress call na natanggap ang lokal na ahensiya.

Dahil dito kayat iginiit ni Alvarez na marapat na papanagutin ang US Navy at pagbayarin sa pinsalang naudlot sa yamang dagat.

Para naman kay House Deputy Minority leader at Zambales Rep. Milagros Magsaysay na dapat madaliin ng Estados Unidos ang pag-alis ng sumadsad na US Navy warship sa Tubbatha reef.

Giit pa ni Magsaysay, habang tumatagal lalong lumalaki ang pinsala ng USS Guardian sa mga coral reef sa Tubbataha kaya dapat din tumulong ang Amerika sa rehabilitasyon sa lugar bukod pa sa pagbabayad ng kaukulang danyos.

 

ALVAREZ

AMERIKA

ANTONIO ALVAREZ

ESTADOS UNIDOS

HOUSE DEPUTY MINORITY

MILAGROS MAGSAYSAY

PALAWAN REP

STATE OF THE ART

TUBBATAHA

ZAMBALES REP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with