^

Bansa

‘Garbage free’ sa pista ng Nazareno

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umapela ang Eco­Waste Coalition sa mga deboto ng Itim na Nazareno na iwasan ang pagkakalat kasabay ng paggunita ng Pista ng Quiapo sa Miyerkules.

Ayon sa EcoWaste Coalition, gawing “garbage-free” o “basura-free” ang okasyon lalo pa’t debosyon ang kailangan na ipakita dito ng mga deboto.

Anang grupo, mayroon namang mga tamang lugar na tapunan ng basura at hindi sa kalsada na nakakadagdag pa ng balakid sa pagdaan ng prusisyon.

Noong nakalipas na pista ng Itim na Nazareno ay tone-toneladang basura ang naiiwan hindi lamang sa mga lansa­ngang dinaanan ng Black Nazarene kundi mismo sa Quirino Grandstand kunsaan isinagawa ang tradisyunal na vigil at pahalik sa Itim na Imahe.

Ayon sa grupo, dapat na panatilihin ng mga deboto ang kalinisan lalo na sa paligid ng Quiapo Church at mga lugar na dinaraanan ng prusisyon.

Ito’y pagpapakita ng kanilang tunay na pa­nanampalataya at respeto sa santo.

ANANG

AYON

BLACK NAZARENE

IMAHE

ITIM

NAZARENO

QUIAPO CHURCH

QUIRINO GRANDSTAND

WASTE COALITION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with