3 Pinoy sa oil rig blast sa US, makakalabas na sa ospital
MANILA, Philippines - Matapos magtamo ng malubhang kalagayan ang tatlong Overseas Filipino Workers (OFWs) na pawang biktima ng pagsabog ng oil rig sa Gulf of Mexico, iniulat ng pamahalaan na makakalabas na sila sa ospital sa Louisiana, USA.
Ayon sa Embahada ng Pilipinas sa Washington DC, ang tatlong OFW ay sina Wilberto Ilagan, Renato Dominguez at isa pang hindi pa tinutukoy ang pangalan ay maaari nang lumabas ngayong Kapaskuhan matapos na bigyan sila ng ‘clearance’ na makalabas sa Baton Rougue General Hospital.
Sinabi ni Ambassador Jose Cuisia Jr, makakasama ng tatlong OFW ang kanilang mahal sa buhay na magseselebra ng Pasko.
Bagaman nakalabas sa ospital ay ipagpapatuloy ang gamutan sa mga biktima upang tuluyan na maghilom ang mga inabot na matinding mga paso at pagkasunog ng kanilang katawan bunga ng pagsabog ng oil platform, noong Nobyembre 16, 2012.
Dalawang Pinoy na sina Ellroy Corporal at Avelino Tajonera ang nasawi sa nasabing trahedya.
- Latest