^

Bansa

162 bangkay pa nahukay

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakarekober pa ng 162 bangkay sa  patuloy na search and rescue team ng pamahalaan partikular sa Compostela Valley at Davao Oriental.

Bunsod nito, sinabi ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Benito Ramos na umaabot na sa 902 ang bangkay na narekober na biktima ng bagyong Pablo.

Umakyat na rin sa 2,661 katao ang nasuga­tan, 415 ang nailigtas at nasa 635 na lamang ang nawawala.

Sa kabuuang bilang ng mga nasawi, 537 ang natukoy na ang mga pagkakakilanlan habang 335 pa ang patuloy na inaalam ang mga pangalan.

Pinakamarami ang nasawi sa Davao Oriental at Compostela Valley na uma­bot sa 844.

 

BUNSOD

COMPOSTELA VALLEY

DAVAO ORIENTAL

EXECUTIVE DIRECTOR BENITO RAMOS

NAKAREKOBER

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

PINAKAMARAMI

UMAKYAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with