^

Bansa

Maliliit na kompanya ng yosi magsasara

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mapipilitan umanong magsara ang mga lokal na kompanya ng sigarilyo na mahigit ng nasa 50 taon sa bansa sa sanda­ling ipasa na ng Kongreso ang excise tax law na naglalayong makalikom ng karagdagang P33.9 bilyong buwis mula sa sin tax products sa 2013.

Ayon kay Blake Dy, vice-president ng Associated Anglo American Tobacco Corporation (AAATC), isang maliit na cigarette manufacturing sa bansa sa loob ng 70 taon, hindi kayang mag-survive ng kanilang kompanya sa bagong excise tax sa sigarilyo.

“They have just signed out death warrant. Local tobacco companies would not be able to survive under this grossly inequitable, unfair system that clearly favors alcohol with reasonable increases while killing us with exorbitantly high tax hikes,” sabi ni Dy.

Umaasa umano si Dy na ang mga mambabatas at mga anti-tobacco advocates ay magha­hanap na ng mga bagong trabaho para sa kanilang mga empleyado na tiyak na mawawalan ng hanapbuhay. 

Nagkasundo na ang bicameral conference committee na ang 69 porsiyento ng tax load ay ipapasan sa tobacco industry at 31 porsiyento lamang ang ipapataw sa mga alcohol products.

“This means that for the first year, tobacco is expected to pay an additional P23.4 billion in taxes, while alcohol will only pay P10.56 billion,” ani Dy.

Ayon kay Dy naging bingi ang Kongreso sa kanilang mga panawagan dahil itinuloy pa rin ang pagpapataw ng nasa 1,003 porsiyentong tax hikes sa mga mumurahing brand ng sigarilyo.

vuukle comment

ASSOCIATED ANGLO AMERICAN TOBACCO CORPORATION

AYON

BLAKE DY

KONGRESO

MAPIPILITAN

NAGKASUNDO

TAX

UMAASA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with