^

Bansa

US binomba 3 nuke sites ng Iran!

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
US binomba 3 nuke sites ng Iran!
US President Donald Trump addresses the nation regarding the US bombing of Iranian nuclear sites as seen on a television screen in the Brady Press Briefing Room at the White House in Washington, DC, on June 21, 2025.
AFP / Saul Loeb

MANILA, Philippines — Inatake ng Amerika ang tatlong nuclear sites ng Iran kabilang ang underground uranium enrichment facility sa Fordo, napaulat na sinabi ni US President Donald Trump.

Sa isang post sa social media, sinabi ni Trump na nakumpleto ng Amerika at matagumpay ang kanilang naging pag-atake.

“We  have completed our very successful attack on the three Nuclear sites in Iran, including Fordow, Natanz, and Esfahan,” sabi ni Trump.

Sinabi rin ni Trump na binagsakan ng mga bomba ang Fordow na itinuturing na “primary sites”.

Gumamit ang Amerika ng B-2 Spirit stealth bombers.

Ang B-2 ay isa sa most advanced strategic weapons platforms ng US.

“A full payload of BOMBS was dropped on the primary site, Fordow,” sabi ni Trump.

Binati rin ni Trump na great American warriors ang mga nambomba sa mga nuclear facilities na  ligtas naman aniyang nakauwi.

Samantala, sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Robert Ferrer ng Office of Migrant Affairs nitong Linggo, Hunyo 22 na wala pang impormasyon kung may mga Pilipino na apektado sa US-hit Iranian nuclear sites.

Pinayuhan ng DFA ang mga Pinoy na lumayo sa mga Iranian facilities.

Nagpahayag naman ng pagkaalarma si United Nations Secretary-General Antonio Guterres sa “paggamit ng puwersa” ng US laban sa Iran.

Sinabi ng UN na ang ginawa ng US ay mapa­nganib at lalong tataas ang tensiyon sa rehiyon.

Inihayag din ng UN na ito ay isang direktang banta sa pandaigdigang kapayapaan at seguridad.

AMERIKA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with