^

Bansa

274 patay kay ‘Pablo’

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lumobo na sa 274 katao ang nasawi sa delubyo ng supertyphoon Pablo habang nasa 279 ang nawawala at 339 ang sugatan sa Region 8, 10, 11 at CARAGA Region partikular sa Compostela Valley at Davao Oriental. 

Sa ulat ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Benito Ramos, inihalintulad nito sa ‘death valley’ ang naghilerang mga bangkay na iniaahon sa New Bataan, Compostela Valley at Davao Oriental habang patuloy ang search and retrieval operation sa lugar.

Sa pinagsamang ulat ng Provincial Disaster Risk and Management Council (PDRRMC) at Philippine Army, nasa 274 katao na ang nasawi sa trahedya kabilang ang 161 sa Davao Oriental at 151 sa Compostela Valley. Nasa 120,627 residente naman ang naapektuhan.

Sa pinakahuling ulat, kinumpirma ni Army’s 10th Infantry Division (ID) Spokesman Lt. Col. Lyndon Paniza na umaabot na sa 151 ang mga bangkay na narekober sa Brgy. Andap, New Bataan, Compostela Valley na grabeng sinalanta ni Pablo.

Sa 151 nasawi ay 87 dito ay sa Brgy. Andap, na kinabibilangan ng apat na sundalo, tatlo rito ay kinilalang sa mga apelyidong Staff Sgt Maximo Olivares, Staff Sgt. Cabillon at Staff Sgt. Catague. Ang nasabing mga sundalo ay nag-setup sa lugar para sa isasagawa sanang rescue na tatamaan ng bagyo. Walo pang sundalo ang nawawala at isang tinyente ang sugatan.

Ang Brgy. Andap ang nagtamo ng pinakama­tinding pinsala dahil sa flashflood na sinabayan pa ng landslide at ipu-ipo kung saan maging ang patrol base ng Army at mga kabahayan ay nawasak.

Nakagrabe pa sa sitwasyon ang pagbagsak ng evacuation center sa bayan ng New Bataan kaya dumami ang mga nasawi sa trahedya. 

Sa ulat ng PDRRMC, 81 katao ang nasawi sa storm surge sa bayba­ying lugar matapos na mistulang tidal wave na lamunin ng dambuhalang alon ang mga kabahayan sa tabing dagat partikular sa mga bayan ng Cateel, Bostol at Baganga na pawang sa Davao Oriental.

Isinailalim naman sa state of calamity ang New Bataan, Compostela Valley at Surigao del Sur.

Samantala, humina ang lakas ng hangin ni Pablo na 120 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso na hanggang 150 kilometro bawat oras.

Ngayong Huwebes ng hapon, si Pablo ay inaasahang nasa layong 510 kilometro kanluran ng San Jose, Occidental Mindoro at sa Biyernes ng hapon ay nasa layong 700 kilometro ng kanluran ng Subic, Zambales at inaasahang lalabas na ito ng bansa sa weekend.

Gayunman, nakataas pa rin ang signal number 3 sa Northern Palawan, Calamian Group of Islands sa Luzon at signal number 2 sa nalalabing bahagi ng Palawan at signal number 1 sa Occidental Mindoro. (May ulat ni Angie dela Cruz)

ANDAP

ANG BRGY

BRGY

CALAMIAN GROUP OF ISLANDS

COMPOSTELA VALLEY

DAVAO ORIENTAL

NEW BATAAN

OCCIDENTAL MINDORO

STAFF SGT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with