SSS pinaaaksyon sa COA report
MANILA, Philippines - Dapat aksyunan agad ng Social Security System (SSS) ang naging findings ng Commission on Audit (COA) sa hindi tamang computation sa mga salary loan noong 2011.
Ayon kay Zambales Rep. Mitos Magsaysay, dapat din magpaliwanag ang SSS kung bakit mayroong overcharging sa interes ng halos doble kaysa sa itinatakda ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) kaya’t dapat nila itong ibalik sa kanilang miyembro.
Ang pagkuha umano ng salary loans na maaaring bayaran sa reasonable terms ay isa sa pangunahing benepisyo ng mga miyembro ng SSS kaya’t ito umano ang dahilan kaya’t buwanang nagbabayad ng premiums ang miyembro nila.
Giit ni Magsaysay dapat umanong ibalik ang excess sa pamamagitan ng monthly dues ng kanilang mga miyembro hanggang sa tuluyan ng maibalik ang halaga ng overcharged ng isang miyembro.
Dapat umanong maintindihan ng SSS na ang bawat miyembro nito ay pinahahalagahan ang kada sentimong nakukuha ng mga ito.
Base sa ulat, aabot sa 788 milyong piso ang sobrang interes salary loan ng SSS na dapat ibalik sa kanilang mga miyembro.
“In effect, COA revealed that the SSS has been charging its member-borrowers with an exorbitant 18.45% per annum interest rate. This is definitely unjust and unfair. Even regular banks don’t do that. To think that these borrowers are SSS members and this is their own money that they are borrowing,” sabi naman ni Bayan Muna Rep. Teddy Casiño na nagsabi ring dapat i-refund ng SSS ang mga sobrang siningil nito.
Si Casiño ang author ng HB 4365 na layong itaas ang pension ng SSS members sa P7,000 kada buwan.
- Latest
- Trending