^

Bansa

1 pang suspek sa Maguindanao massacre tiklo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isa pang suspek sa karu­mal-dumal na Maguindanao massacre ang nasakote ng mga awtoridad noong Huwebes ng hatinggabi sa bayan ng Surallah, South Cotabato.

Sa ulat na nakarating ka­hapon sa Camp Crame, kinilala ang suspek na si Abedin Alamada alyas Commander Bedi, isa sa mga lider ng da-ting Civilian Volunteer Organization ng pamilya Ampatuan.

Ang suspek na hindi na nagawang makapalag matapos mapalibutan ng arresting team ay may patong sa ulong P250,000.

Nasakote ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte matapos itong makorner ng mga awtoridad sa Brgy. Upper Sepaka, Surallah.

Sa tala ng PNP, si Alamada ay kabilang sa mahigit 100 suspek sa massacre na ikinasawi ng 57 katao kabilang ang 32 mediamen sa Brgy. Salman, Ampatuan, Maguindanao noong Nob. 23, 2009.

Itinuturong pangunahing mastermind ang mga Ampa-tuan na kinabibilangan nina dating Maguindanao Gov. Andal Ampatuan Sr., mga anak na sina Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr., dating ARMM Gov. Andal Ampatuan Sr. na kasalukuyang nililitis.

Sumasailalim na sa tacti-cal interrogation ng mga aw­ toridad ang nasakoteng suspek.

 

ABEDIN ALAMADA

AMPATUAN

ANDAL AMPATUAN SR.

BRGY

CAMP CRAME

CIVILIAN VOLUNTEER ORGANIZATION

COMMANDER BEDI

DATU UNSAY MAYOR ANDAL AMPATUAN JR.

MAGUINDANAO

MAGUINDANAO GOV

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with