P10 COLA ‘libing’ wage sa manggagawa - KMU
MANILA, Philippines - Sa halip na makatulong sa pamumuhay ng mga manggagawa, malamang na magdulot lamang umano ng anila’y “libing” wages ang implementasyon ng P10 COLA para sa mga manggagawa ng National Capital Region.
Ito ang naghihinagpis na pahayag ng militanteng grupong Kilusang Mayo Uno (KMU) makaraang ipatupad na nitong November 1 ng Department of Labor and Employment ang P10 Cost of Living Allowance para sa mga NCR workers.
Sinabi ni KMU chairperson Elmer “Bong” Labog, ang P10 COLA ay nagpapakita lamang na ito na ang simula ng isang five-year wage freeze sa ilalim ng bagong Two-Tiered Wage System ng Aquino government.
Ayon kay Labog, malamang na hindi na masundan pa ang naipagkaloob na Cola sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.
Binigyang diin ni Labog na ang basic wage sa Metro Manila ay nananatiling P426 at P30 Cola na inaprubahan ng pamahalaan ngayong taon na lubhang mababa sa Family Living Wage sa Metro Manila na P993 na naipalabas ng Ibon Foundation noong Abril 2011.
Sa ilalim ng bagong wage system, ang P426 minimum wage at dagdag na P30 Cola ay naitakda bilang floor wage na ayon sa Labor department, ito na ang bagong minimum wage at hindi na tataas pa sa susunod na 5 taon.
- Latest