Kemikal sa Xmas mugs naakakalason
MANILA, Philippines - May nakakalasong kemikal umano ang mga nagkalat na gift items sa merkado partikular ang 35 pirasong Christmas mugs at tumblers na may makukulay na disenyo ng prutas at bulaklak na pamasko.
Naalarma ang EcoWaste Coalition matapos nilang isailalim sa pagsusuri ang may 35 pirasong mga tasa at baso gamit ang portable X-Ray Fluorescence (XRF) spectrometer na nabili nila sa mga bargain store na may presyong P20 hanggang P99 sa bahagi ng Maynila, Quezon City at Mandaluyong City.
Patuloy pa ang grupo sa pangangalap ng ebidensiya upang pagtibayin ang kanilang hiling na i-ban ng DENR-Environmental Management Bureau sa kanilang Chemical Control Order ang lead na inihahalo sa glazes at pintura na ginagamit sa disensyo ng food contact articles gaya ng plato, mugs at baso na nauusong pangregalo sa Kapaskuhan.
- Latest