DOH nagbabala vs tindang pagkain sa sementeryo
MANILA, Philippines - Pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang publiko na magtutungo sa sementeryo nga-yong panahon ng Undas na maging maingat sa pagbili ng maiinom at pagkain sa mga ambulant o sidewalk vendors dahil maaring manganib ang kanilang kalusugan.
Ayon kay DOH Director Eduardo Janairo, regional director of Center for Health Development-National Capital Region, walang garantiya kung malinis at ligtas ang mga pagkaing itinitinda sa paligid ng sementeryo kaya mainam na magbaon, subalit dapat umanong tiyakin na hindi madaling mapanis ang mga babaunin.
Dagdag pa niya, ang mga bata ay hindi na dapat isama maging mga matatanda na maaring makasama kung makikihalo sa bunton ng mga tao dahil madaling makakakuha ng sakit.
Tiniyak niya na lahat ng ospital at health facilities sa Metro Manila ay nasa Code White Alert, na ang ibig sabihin ay nakaantabay sa anumang posibleng emergency situations.
- Latest
- Trending