^

Bansa

Libingan ng mga Bayani napasok na ng iskwater

- Butch M. Quejada - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Napasok na umano ng mga iskwater ang mala­king bahagi ng Libingan ng mga Bayani sa loob ng Fort Bonifacio.

Ayon kay Muntinlupa Rep. Rodolfo Biazon, isang national shrine ang Libingan ng mga Bayani at hindi dapat tinatayuan ng mga bahay.

Sa kabila umano ng mga babala ng Philippine Army na siyang nagbabantay sa lugar, patuloy pa rin sa pagtatayo ng mga barung-barong at mga tindahan ang mga iskwater.

May pagkakataon pa na isang umookupa rito ang lakas loob na dumulog sa korte para ipaglaban ang loteng pinagtirikan niya ng bahay sa loob ng Libingan pero natalo sa kaso matapos walang maipakitang permit mula sa Army at Department of National Defense (DND).

Hinikayat ni Biazon ang DND at Army officials na ituloy ang pakikipag-usap sa mga illegal occupants para boluntaryo nilang bakantihin ang lugar sa halip na puwersahan pa silang paalisin.

Dapat ding pigilan ng Army ang pagpasok pa ng maraming informal settlers dahil kung hindi maaawat ang mga ito, magsisilbing isang mala­king squatter community na ang Libingan.

Gusto rin alamin ni Biazon kung ilan na ba ang nakahimlay sa Libi­ngan at ilan pa ang kaya nitong i-accomodate sa pangambang mapuno na ito ng mga iskwater.

Naitatag ang burial site noong May 1974 bilang Republic Memorial Ceme­tery. Si dating President Magsaysay ang nagpa­ngalan dito ng Libingan ng mga Bayani noong Oct. 27, 1954.

Sa Libingan inihihimlay ang mga Medal of Valor awardees, mga pa­ngulo ng Republika, AFP chief of staff, flag officers ng AFP, war veterans, government dignitaries, statesmen, national artists, defense secretaries, biyuda ng mga dating pangulo at mga libing na inaprubahan ng Pangulo o Kongreso.

BAYANI

BIAZON

DEPARTMENT OF NATIONAL DEFENSE

FORT BONIFACIO

LIBINGAN

MEDAL OF VALOR

MUNTINLUPA REP

PHILIPPINE ARMY

PRESIDENT MAGSAYSAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with