Depensa ni Duterte tutol sa dagdag ebidensiya ng ICC Prosecution
MANILA, Philippines — Kinuwestiyon ng depensa ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang mosyon ng mga tagausig ng International Criminal Court (ICC) na isama bilang ebidensiya ang ilang expert reports sa kaso.
Sa isinumiteng dokumento, sinabi ng abogado ni Duterte na si Peter Haynes na hindi dapat tanggapin ang dalawang panlabas na pag-aaral na nais ipasok ng prosekusyon bilang kaugnay na materyales sa Expert Report ng P-1400.
Bagama’t hindi tutol ang depensa sa pagsasama ng mismong Expert Report sa ilalim ng Rule 68(3), iginiit ni Haynes na hindi dapat awtomatikong maisama ang iba pang pinagbatayang dokumento nito.
Hiniling din ng depensa sa Trial Chamber III na ibasura ang aplikasyon ng Office of the Prosecutor (OTP) kaugnay ng P-1400, o kaya’y isaalang-alang ang mga nauna nitong mosyon tungkol sa mga dokumentong nais idagdag sa listahan ng ebidensiya.
- Latest



















