^

Bansa

Malacañang mas naka-focus sa El Niño, ASEAN kaysa survey

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Malacañang mas naka-focus sa El Niño, ASEAN kaysa survey
Atty. Claire Castro.
The Philippine STAR / Noel Pabalate

MANILA, Philippines — Mas nakatutok si ­Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa darating na ASEAN Summit at problemang dulot ng super El Niño kaysa sa mga lumalabas na survey.

Ayon kay ­Palace Press Officer Atty. Claire Castro, hindi naman pinag-uusapan sa Malacañang ang resulta ng mga survey na walang kinalaman sa pagpapatakbo sa gobyerno.

Ginawa ni Castro ang pahayag kasunod ng isang survey kung saan lumiit umano ang lamang ni Vice President Sara Duterte (40%) kay Naga City Mayor Leni Robredo (33%) para sa 2028 presidential match-up.

Idinagdag ni Castro na kasama sa binabantayan ng Malacañang ang patuloy na epekto ng krisis sa Middle East kaya hindi nagpo-focus sa survey kung sino man ang lamang at kung sino ang nauungusan.

Malayo pa aniya ang halalan kaya trabaho muna ang inaatupag ng Malacañang bago ang mga political survey.

ASEAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with