^

Bansa

Comelec: Mga botante, maagang magparehistro

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hinikayat ng Commission on Elections (Comelec) ang mga botante na maagang magparehistro para sa 2028 National and Local Elections (NLE).

Ito’y kasunod ng pagsisimula muli ng voter registration sa bansa sa Nobyembre 10 hanggang Hunyo 30, 2027.

Ayon kay Comelec Chairperson George Erwin Garcia, mas makabubuti kung sasamantalahin ng mga botante ang mahabang panahon ng rehistruhan, sa halip na maghintay pa ng deadline.

“Kaya nating iniengganyo ang ating mga kababayan na magparehistro ng mas maaga kaysa ‘yung late na o kung isang taon na naman sila magpaparehistro,” ani Garcia.

Ipinaliwanag din ni Garcia na maaga nilang ­sinimulan ang voter registration dahil sa pagkaantala ng November 2, 2026 Barangay and Sangguniang Kabataan elections (BSKE).

Una nang sinabi ni Garcia na target nilang makapagtala ng tatlong milyong bagong botante sa nasabing voter registration.

Sa ngayon, nasa 71 milyon ang mga botante sa bansa.

COMELEC

NLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with