^

Bansa

Bagyong Nina, mananatili sa PAR hanggang weekend

- Angie dela Cruz - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Mananatili sa Philippine Area of Responsibility (PAR) hanggang weekend ang bagyong Nina dahil sa mabagal nitong pagkilos.

Alas-11 ng umaga kahapon, ang sentro ni Nina ay namataan sa layong 860 kilometro silangan ng Cagayan taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 120 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin hanggang 150 kilometro bawat oras.

Si Nina ay kumikilos pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 7 kilometro bawat oras.

Ngayong umaga, si Nina ay inaasahang nasa layong 750 kilometro ng silangan ng Calayan, Cagayan.

Bunsod nito, pinapayuhan ng PAGASA ang mga mangingisda na may maliliit na sasakyang pandagat na iwasan munang maglayag sa bahagi ng karagatan sa Northern at Eastern Luzon dahil sa inaasahang paglaki ng alon.

BUNSOD

CALAYAN

EASTERN LUZON

KILOMETRO

MANANATILI

NGAYONG

NINA

PHILIPPINE AREA OF RESPONSIBILITY

SI NINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with