^

Bansa

US submarine bibisita sa Phl

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nakatakdang dumating sa bansa ngayong araw ang isang submarine ng Estados Unidos para sa isang routine port call sa Subic Bay sa Olongapo, Zambales.

Ayon sa US Embassy, ang USS Olympia (SNN 717), isang submarine ng Los Angeles class design ay dadaong sa Subic Bay Freeport ngayong Huwebes, Oktubre 4.

Ang pagbisita ay naglalayong makapagpahinga at makapag-relax ang mga crew at magkarga ng mga supply ng nasabing submarine.

Nagsimulang maglayag ang nasabing submarine noong Pebrero 1986 sa kanyang tahanan sa Pearl Harbour sa Hawaii. Siya ang ikalawang US ship na nagdadala ng pangalan ng Olympia City, Washington.

Ang orihinal na USS Olympia ay na-commissioned noong 1895 at bilang bahagi ng Asiatic fleet, naging flagship ng Commodore George Dewey sa Battle of Manila Bay noong 1898. (Ellen Fernando/Joy Cantos)

BATTLE OF MANILA BAY

COMMODORE GEORGE DEWEY

ELLEN FERNANDO

ESTADOS UNIDOS

JOY CANTOS

LOS ANGELES

OLYMPIA CITY

PEARL HARBOUR

SUBIC BAY

SUBIC BAY FREEPORT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with